Spy at Destingi Cable: Hello Goodbye.

Papparazzi. Tama ba ang spelling ko?

Disclaimer: Kung kumakain na naman kayo, mabuti pang itigil niyo muna yan. Dahil baka iluwa mo yan sa monitor at hindi mo na mababasa pa ang aking post. Kung ayaw niyong itgil ang pagkain, mabuti pang bisitahin ang bagong page ko: timba at palanggana: badang! for sure, pamatay yun. child-sensitive pa!

Anyway, keber ko ba? Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, nagkaroon ako ng sakit nitong nagdaang araw. May sipon at ubo na naman ako. Takang-taka itong si Airmath. Panu ba naman, bihirang-bihira talaga akong magkasakit. Parang kasing dalas ng lunar eclipse kung magkasakit ako. Nagkaroon kasi ako ng sakit noong nakaraang buwan lamang kung saan kailangan kong uminom ng tone-toneladang tubig, pati na rin unsweetened pineapple juice. At ngayon, kagagaling ko lang. Actually, as a matter of fact, I am on my way to full recovery (sabay tulo ng sipon)

Nakakainis talagang magkaroon ng sipon. Ito na yung pinakanakakaini na sakit. Kasi naman, every move yopu make, siguradong may lalaba na malapot na likido sa ilong mo. Hindi lang yan, kailangan mo ring suminga na nakakainip gawin. Pero astig ang amoy nito. Kakaiba. Matapang sa ilong. Pag hindi ka naman suminga, matutuyo ang liido at titigas ito sa loob ng ilong at magiging solid na soft, madulas, shiny. Ang pinagtataka ko. Bakit kaya tumitigas ang maninlaw-nilaw na may pagka-luntian na likido sa ilong, gayong hindi naman freezer ang ating mga ilong para tumigas ito?

***

Nagpalit na kami ng cable. Sabi ni Airmath, naiinis siya sa SpyCable, medyo hindi kasi maganda ang reception nito sa ibang channel. Sabi ko naman, ok lang yun. Ang malalabo lang naman eh yung ewtn. c-span, cctv at yung chinese channels. Kaya yun, lumipat kami sa Destingi Cable. Kainis nga kasi wala yung ibang channel na talagang tinututukan ko gaya ng:

ANC channel 27- peyborit ko to. Ma-mi-miss ko si Marieton Pacheco, tsaka si Pia Hontiveros.

Lifestyle Network (channel 47)- Buang na ako. Hindi ko na mapapanood yung Iron Chef America, sila Bobby Flay, Mario Battali at si super idol kong si Wolfgang Puck. Hindi ko na rin makikita si idol Rachael Ray at ang thirty minute meals niya.

Basketball TV (channel 34)- Sirang-sira na ang tv life ko. NBA, PBL. Wawa ako.

MYX (channel 23)- Panu na yan. Hihina ang music intelligence ko.

Yung ibang channels gaya ng National Geographic, Hero, and others na wala sa Destingi Cable na di ko mention, ok lang na mawala sa akin. Pero yung mga na-mention ko, hindi ko kaya.

To be fair, ok din naman tong Destingi  Cable. Sa next post ko na lang ipapaliwanag.

2 Tugon tungo sa “Spy at Destingi Cable: Hello Goodbye.”

  1. Si toniwoni ay nagsabing:

    haha…
    idol ko din iyang si wolfgang puck…
    pasalamat ka nga at may cable pa kayo eh…
    kami talaga wala!
    naiimberna na talaga ako…
    ayaw ko na sa ABS_CBN 2 at sa GMA 7!
    :D

  2. Si tim b. ang ay nagsabing:

    toniwoni- unting tiyaga lang.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.