Dahil nga malapit ng matapos ang bakasyon, kailangan ko ng sulitin ang mga nalalabing araw. Mahirap ng magsisi sa huli. Anung konek? Wala. Wala. Itlog.
Tulad ng dati, buong araw akong nakatunganga sa beletisyon. Inangkin ko na naman ang tv sa bahay. Ayon sa aking paniniwala at ethics, may kakaiba akong style manood ng tv. Feel ko lang. Dahil kapag nanonood ako, walang permanent channel akong pinapanood. Ang gulo ko. Ibig ko bang sabihin, tumatagal lamang ako ng 2 minuto or less pa nga sa isang channel. Maikli lang ang attention span ko sa isang channel kaya naman inis na inis ang kapatid ko kasi naman lipat ako ng lipat ng channel, nahihilo na raw siya. Keber ko ba. Basta ako, enjoy.
Anyway, pagkahaba-haba ng prusisyon, sa libingan din ang tuloy natin. Sa aking panonood, napansin ko ang music video ng Hilera. Ang title ng kanta ay Pilit. Medyo iba siya sa ibang kanta ng Hilera sapakat mabagal ito at madrama. Love song daw ito.
Pero, ayon na nga rin sa aking pagtataya, ito ay isang awit para sa mga korni. Yung mga trying hard magpatawa na nabigo at nasira na ang buhay dahil bigo siya sa misyon niyng magpatawa. Nabigo na nga, kinawawa pa ng tao. Ito yung lyrics ng kanta tapos yung naka parenthesis yun yung meaning/analysis ko. Kayo na ang bahala kung hindi kayo maniniwala sa punto de vista ko. Medyo katunog niya yung Kung Wala Ka ng Hale
Pilit- Hilera
Tungkol nga ito sa isong komedyanteng hindi naman nakakatawa. Hindi na-appreciate ng mga tao kaya yung kinawawa. Pagsasariwa ito ng mga mapapait na karanasan.
Sa yo ako’y walang ligtas (Na-trap na siya. Wala ng kawala.Bugbog sarado ang aabutin)
Di makawala sa isip ko (Hindi niya pa rin makalimutan ito.)
Sa yo baliw ang utak ko (Baliw na. Nagkaroon ng blood clotting sa utak ng mabugbog)
Buong sistema ko, Sa yo (Nanakit pati katawan niya)
Pinipilit kong magpakasaya (Sino pa ba ang tatawa sa mga joke ng mga korni?)
Pinipilit kong patawanin ka (Lumalabas ang pagka-korni niya.)
Pinipilit kong magpakaiba (Nag-iba ibig sabihin, nag-impersonte na siya. Hindi pa rin natawa.
Kawawa naman. Ganun talaga kapag korni ka. Masaklap. Kaya naman, huwag niyo ng ipagpilitan na komedyante ka kung alam mo walang natutuwa sa mga pinagsasabi mo maliban sa sarili mo.
Mukhang hindi maganda ang resulta ng eleksiyon ngayon. Mali-mali yung pirles porkast ko. Kung gusto niyong makita yung pirles porkast, basahin niyo yung previous post ko. Ayun oh, sa baba.









Martes 15 Mayo, 2007 bandang 8:20 hapon
ahay uu nga! wak na magpakomedyante kung di rin nmn tlg nakakatawa. Huwag ng pilitin dahil hindi naman talaga kaya!
Ahay! Parang ako, trying hard joker! ampness! korni daw!
Pro hindi nmn ganun kagrabe uber noh? What do u think of me? Thinking of u, oh kamote! ahay! slyt lng nmn!
Pro korni daw tlg eh!
Hay watever! tge at makapanood n lng ng tibi!
Miyerkules 16 Mayo, 2007 bandang 8:21 umaga
xet…
wala nang fearless-fearless forecast na yan…
lembots naman…
walang kwenta naman ang eleksyon…
hehe…
kasi hindi pa naman ako botante…
kita-kits na lang sa makscie…
at sa UPD…
Miyerkules 16 Mayo, 2007 bandang 10:06 umaga
ganda talaga ng color combinations mo, galing mong gumawa!
ako din, ganun. Pero hours naman sa akin,pero in between those hours, magscascan ako ng channels. basta ako na ang hahawak ng remote control, madaling masira ang tv at remote sa akin. Tawag sa akin sa bahay, Pilot(pilot ng remote control)
ang kanta hindi ko yata to narinig
Miyerkules 16 Mayo, 2007 bandang 2:20 hapon
eloiski- hay naku nga naman.
toniwoni- di ako pumunta ng skul.
cat- thank u! go pilot.
Miyerkules 16 Mayo, 2007 bandang 6:54 hapon
dont like hilera eh. haha. ibang kanta naman ang ianalyze mo. tulad ng hale. kelangan talagang himay-himayin yun eh
Linggo 20 Mayo, 2007 bandang 3:58 hapon
padre salvi- ganun ba? gusto ko kasi yung hilera
Martes 22 Mayo, 2007 bandang 5:31 hapon
wow. ang galing ko. chareng. uu