For Validation Purposes

Ilang araw ng nakakaraan nang iproklama ko  ang aking sarili bilang ang kaisa-isang namecologist sa lupalop. Wala namang nangyaring dayaan at dagdag-bawas kaya walang pumigil sa aking proklamasyon.

Bilang pagsusog sa pagiging namecologist, espesyalista sa mga pangalan, minarapat kong gumawa ng post tungkol sa mga taong sikat na kaparehas ko ng initials. Ang pangalan ko ay M***** S****. Kung ayaw niyong maniwala, basahin niyo ang autobio kong timba at palanggana: badang!.  kaya nilibot ko ang distrito ng iyong lumbay sa paghahanap ng mga sikat na tao na may initials na MS. Eto na sila.

Paalala: Kung hindi niyo kilala ang iba, isa lang ang ibig sabihin niyan. Wala. Inosente kayo.

Maricel Soriano- Si Diamond star. Soltera. Shirley sa John en Marsha.

Meryll Soriano- anak ni Wowowee. pamangkin ni Maricel. Nabuntis ni Bernard Palanca.

Marvic Sotto- aka Vic Sotto. si Enteng. komedyante.

Maja Salvador- si Nene pa. ta-artits sa ABS.

Miko Sotto- ex-BF ni Angel Locsin. Na-dead nang mahulog sa building

Mariemiel Sison- chef, host ng Ka-toque! 

Maria Sharapova- tennis player, endorser.

Marat Safin- tennis player din

Megan Shaugnessy- tennis player din.

Mara Santangelo- tennis player na naman. Hindi yata ako maubusan ng ka-initial na tennis palyer.

Michael Schumacher- F1 world champion. Tsikot na uber bilis ang F1.

Marc Summers- Kung nanood kayo ng Unwrapped sa Lifestyle Network, siya yung ubaning host nito.

Macario Sakay- kung may project kayo sa Sibika at Kultura noong nasa elementarya pa kayo, malamang nakabili na kayo ng post card niya.

Marco Sison- singer na natalo sa eleksyon. wala akong alam na kanta niya.

Martin Scorsese- Hollywood director. Katukayo na ni Leonardo di KapreYoh sa mga pelikula.

Martin Short-  komedyante at host

Meryll Streep- Hollywood actress. Majonda na. Ang devil na nagsusuot ng prada.

Martha Stewart- Tax evader. Host ng mga cooking show. Kaaway ni Donald Trump.

Manila Santos- spiker ng volleyball team ng La Salle. Kamukha ni Kennievic Asuncion, endorser ng Rush.

Manmohan Singh- prime minister ng India. bongga.

Megawatti Sukarnoputri- dating Indonesian president. Lupet!

Maximo Soliven- publisher at columnist sa Philippine Star. Dead na.

Manu Sandejas- host ng digital tour sa Studio 23.

Michael Shaun- wrestler sa TNA.

Mike Shinoda- bungalista ng Linkin Park.

Kung nais mo rn ng listahan ng mga famous people na ka-initials mo, isangguni lamang sa akin ang inyong initials, at ibibigay ko ang sagot within 24 hours.

Spy at Destingi Cable: Hello Goodbye.

Papparazzi. Tama ba ang spelling ko?

Disclaimer: Kung kumakain na naman kayo, mabuti pang itigil niyo muna yan. Dahil baka iluwa mo yan sa monitor at hindi mo na mababasa pa ang aking post. Kung ayaw niyong itgil ang pagkain, mabuti pang bisitahin ang bagong page ko: timba at palanggana: badang! for sure, pamatay yun. child-sensitive pa!

Anyway, keber ko ba? Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, nagkaroon ako ng sakit nitong nagdaang araw. May sipon at ubo na naman ako. Takang-taka itong si Airmath. Panu ba naman, bihirang-bihira talaga akong magkasakit. Parang kasing dalas ng lunar eclipse kung magkasakit ako. Nagkaroon kasi ako ng sakit noong nakaraang buwan lamang kung saan kailangan kong uminom ng tone-toneladang tubig, pati na rin unsweetened pineapple juice. At ngayon, kagagaling ko lang. Actually, as a matter of fact, I am on my way to full recovery (sabay tulo ng sipon)

Nakakainis talagang magkaroon ng sipon. Ito na yung pinakanakakaini na sakit. Kasi naman, every move yopu make, siguradong may lalaba na malapot na likido sa ilong mo. Hindi lang yan, kailangan mo ring suminga na nakakainip gawin. Pero astig ang amoy nito. Kakaiba. Matapang sa ilong. Pag hindi ka naman suminga, matutuyo ang liido at titigas ito sa loob ng ilong at magiging solid na soft, madulas, shiny. Ang pinagtataka ko. Bakit kaya tumitigas ang maninlaw-nilaw na may pagka-luntian na likido sa ilong, gayong hindi naman freezer ang ating mga ilong para tumigas ito?

***

Nagpalit na kami ng cable. Sabi ni Airmath, naiinis siya sa SpyCable, medyo hindi kasi maganda ang reception nito sa ibang channel. Sabi ko naman, ok lang yun. Ang malalabo lang naman eh yung ewtn. c-span, cctv at yung chinese channels. Kaya yun, lumipat kami sa Destingi Cable. Kainis nga kasi wala yung ibang channel na talagang tinututukan ko gaya ng:

ANC channel 27- peyborit ko to. Ma-mi-miss ko si Marieton Pacheco, tsaka si Pia Hontiveros.

Lifestyle Network (channel 47)- Buang na ako. Hindi ko na mapapanood yung Iron Chef America, sila Bobby Flay, Mario Battali at si super idol kong si Wolfgang Puck. Hindi ko na rin makikita si idol Rachael Ray at ang thirty minute meals niya.

Basketball TV (channel 34)- Sirang-sira na ang tv life ko. NBA, PBL. Wawa ako.

MYX (channel 23)- Panu na yan. Hihina ang music intelligence ko.

Yung ibang channels gaya ng National Geographic, Hero, and others na wala sa Destingi Cable na di ko mention, ok lang na mawala sa akin. Pero yung mga na-mention ko, hindi ko kaya.

To be fair, ok din naman tong Destingi  Cable. Sa next post ko na lang ipapaliwanag.

Sariwang Page: Read One, Read All

May bago akong page. Basahin niyo naman. Baka langawin. Sayang naman. Mag-eenjoy kayo kasi tungkol sa akin. Timba at Palanggana: Badang!

Basahin niyo na rin yung previous entry ko. Medyo may sense yun. Ayun sa baba.

Ipinaskil sa Bamboozle . 14 Puna »

Isingit naman natin ang komedyante

Dahil nga malapit ng matapos ang bakasyon, kailangan ko ng sulitin ang mga nalalabing araw. Mahirap ng magsisi sa huli. Anung konek? Wala. Wala. Itlog.

Tulad ng dati, buong araw akong nakatunganga sa beletisyon. Inangkin ko na naman ang tv sa bahay. Ayon sa aking paniniwala at ethics, may kakaiba akong style manood ng tv. Feel ko lang. Dahil kapag nanonood ako, walang permanent channel akong pinapanood. Ang gulo ko. Ibig ko bang sabihin, tumatagal lamang ako ng 2 minuto or less pa nga sa isang channel. Maikli lang ang attention span ko sa isang channel kaya naman inis na inis ang kapatid ko kasi naman lipat ako ng lipat ng channel, nahihilo na raw siya. Keber ko ba. Basta ako, enjoy.

Anyway, pagkahaba-haba ng prusisyon, sa libingan din ang tuloy natin.  Sa aking panonood, napansin ko ang  music video ng Hilera. Ang title ng kanta ay Pilit. Medyo iba siya sa ibang kanta ng Hilera sapakat mabagal ito at madrama. Love song daw ito.

Pero, ayon na nga rin sa aking pagtataya, ito ay isang awit para sa mga korni. Yung mga trying hard magpatawa na nabigo at nasira na ang buhay dahil bigo siya sa misyon niyng magpatawa. Nabigo na nga, kinawawa pa ng tao. Ito yung lyrics ng kanta tapos yung naka parenthesis yun yung meaning/analysis ko. Kayo na ang bahala kung hindi kayo maniniwala sa punto de vista ko. Medyo katunog niya yung Kung Wala Ka ng Hale

Pilit- Hilera 

Tungkol nga ito sa isong komedyanteng hindi naman nakakatawa. Hindi na-appreciate ng mga tao kaya yung kinawawa. Pagsasariwa ito ng mga mapapait na karanasan.

Sa yo ako’y walang ligtas (Na-trap na siya. Wala ng kawala.Bugbog sarado ang aabutin)
Di makawala sa isip ko     (Hindi niya pa rin makalimutan ito.)
Sa yo baliw ang utak ko   (Baliw na. Nagkaroon ng blood clotting sa utak ng mabugbog) 
Buong sistema ko, Sa yo  (Nanakit pati katawan niya)

Pinipilit kong magpakasaya  (Sino pa ba ang tatawa sa mga joke ng mga korni?)
Pinipilit kong patawanin ka   (Lumalabas ang pagka-korni niya.)
Pinipilit kong magpakaiba    (Nag-iba ibig sabihin, nag-impersonte na siya. Hindi pa rin natawa.

Kawawa naman. Ganun talaga kapag korni ka. Masaklap. Kaya naman, huwag niyo ng ipagpilitan na komedyante ka kung alam mo walang natutuwa sa mga pinagsasabi mo maliban sa sarili mo.

Mukhang hindi maganda ang resulta ng eleksiyon ngayon. Mali-mali yung pirles porkast ko. Kung gusto niyong makita yung pirles porkast, basahin niyo yung previous post ko. Ayun oh, sa baba.